Thursday, May 29, 2008

BALERKADA - The Reggae Party VIDEO


Matapos po ang higit dalawang buwan, napagdesisyunan ko ring i-upload ang pictures na kuha ng aking camera nung "Reggae Party" at ginawan ko ng slideshow/video presentation sa YouTube.com.

Yang video po bale ang tribute ko para sa mga pala-dalo at taga-suporta ng lahat ng mga gawain ng batch (http://mcchighschoolbatch1998.blogspot.com/) namin. Sana dumalo ang marami parati, kundi man lahat, sa mga susunod na event.

Overwhelming po kasi ang tugon ng mga tao sa unang video na inupload ko sa YouTube 3 months ago, ang DEKADA BALERKADA (http://www.youtube.com/watch?v=bxgyrhcO9v4) dahil sa ngayon ay higit 900 views na ito. Marami atang nabitin.

Marami ang nagtanong at naghintay para sa Version 2 ng nasabing video. Wag po kayong mag-alala. Malapit nyo na rin yong makita. At may niluluto na rin po akong isa pang video. Abangan nyo lang. Sana nagustuhan/magustuhan nyo ang latest upload ko. Yan po ang pinakamahaba kong nagawang video to date. Sa uulitin!

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online